Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.
Mind, Words
Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Life
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo.
Life, Self Worth
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Life, Inspirational
...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.
Life, Learning, Education
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
Inspirational
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
Truth, Inspirational, Understanding
Walang imposible sa taong naniniwala.
Life, Faith, Hope
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
Inspiration, Reading
Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko?
Truth, Humour
Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso.
Life, Inspirational, Indifference
Hindi ba mas tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahil sa binabasa nilang manunulat ay purihin sila sa pagbabasa, at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila at ipakilala sa iba pang makabuluhang libro? O masyadong malaking abala 'yon sa inyo?
Reading
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
Reality
the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.
kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
Reality, Responsibility
Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals nanakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, atmga bulaklak.
Life, Reality, School
Walang pakialam ang tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata.
Family, Parents, Values
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi
Mistakes, Inspirational, Life Lessons